Hi so I made this dahil nashock ako kung gano kacareless ang mga kaibigan ko pag dating sa pandemic!!!
Simula ng pandemic bihira kaming lumalabas ng bahay pero if ever man na lumabas kami after that we do precautionary measures bago kami pumasok sa bahay.
1. Bago lumabas isabit sa cr ung mga malinis na damit na isusuot after maligo saka towel.
Pagbalik ng bahay:
2. Itapon agad ang mask na ginamit, if tela ung mask binabalot muna nakin sa plastic. Wag ipasok ang tsinelas sa loob if walang paglalagyan sa labas ibalot sa plastik.
3. Naglaan kami ng maliit na space sa harap ng pinto kung saan naghuhubad kami ng ginamit namin na damit. RULE PO KASI NAMIN LAGING MAGSASANDO SA ILALIM ng damit kapag lalabas. Wala kaming pake naman if maglakad ka ng nakapanty or brief papuntang cr, meron namn lahat panty at brief lol.
Balik tayo sa damit, binabalot namin ulit sa platic ung nagamit na naming damit.
Dun naman sa pinamiling grocery or pagkain nilalagay muna namin sa sulok o lapag bago ayusin.
4. After that deretso sa banyo walang segway segway na bukas ng ref or ng electricfan deretso agad as in sa cr. Pede ng dalhin ung cloth mask at maruming damit na nakabalot sa plastik para labhan agad.
Oo labhan agad, tumaas ung bill ng tubig namin nasa 100 ang dagdag pero mas ok na un kasi maliit pa yun kumpara sa libo libong gagastusin mo pag nagka covid ka.
5. After maligo, mag didisinfect agad lahat ng nahawakan (kala ko ba diretso sa cr?) Kahit nag diretso ka sa cr hinawakan mo ung door knob at ung pinamili.
Meron kaming sprayer na may zonrox tas ung isa alcohol.
Punasang maiigi ng alcohol ung mga grocery na pinamili kapag naman mga gulay meron kaming maliit na batsa nilalagyan ng tubig at baking soda (23 pesos sa mercury) pang linis.
After malinis ung mga grocery maghugas ng kamay ung maayos na paghuhugas saka ayusin ung grocery sa tamang lagayan.
Gamitin naman ung zonrox sprayer para sa doorknob at sahig na pinaglapagan mo ng damit, grocery, tsaka ung plastic mo ng tsinelas.
Ganun ginagawa namin everytime na lalabas.
Maraming nag sasabi OA daw, hindi po yan OA PAGIINGAT PO ANG TAWAG DYAN.
Tandaan natin guys na sobrang mahal ng paospital kahit meron kang health card lagpas 5 digits pa rin yan. Pero ung alcohol nasa 20+ lang zonrox din. Sa una oo masakit talaga sa bulsa bibili ka ng halos 100 mahigit pang disinfect lang pero its for your health, your family's health sobrang babang halaga nyan para sa kaligtasan nyo.
Mas maigi if ididispose agad ung surgical mask nyo after use pero you can search na rin on proper ways na pede syang ireuse but frankly i dont recommend reusing.
Wala tayong maasahan sa pulpol na gobyerno dahil binenta na tayo sa china ¯\_( ͠° ͟ʖ °͠ )_/¯ at mayayaman yan nabulsa na mga buwis natin, so saan ka hihingi ng tulong? Sino tutulong sayo?? Ikaw din! Sarili mo lang maaasahan mo prevention is always better than cure.